Ang aming kumpanya:

Nagtutulungan ang mga talentado naming empleyado mula sa iba't ibang background sa mahigit 35 tanggapan sa buong mundo.

 
 
 

Ang aming pamunuan

Parag Agrawal

CTO

Parag Agrawal

Parag Agrawal

CTO

Si Parag ang Chief Technology Officer at siya ang namumuno sa panteknikal na istratehiya ng kumpanya at tumututok sa machine learning at AI ng aming consumer, revenue, at science team. Pagkasali niya sa Twitter noong 2011, pinangunahan ni Parag ang mga gawain sa pagpapalawak sa mga system ng Ads, at pati na rin ang muling pagpapabilis sa pagdami ng user sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kaugnayan ng timeline sa Home.  

Bago sumali sa Twitter, nagsaliksik si Parag tungkol sa malawakang pamamahala ng data katuwang ang mga collaborator sa Microsoft Research, Yahoo! Research, at AT&T Labs. Nakapagtapos siya ng Bachelor’s degree mula sa IIT, Bombay at PhD in Computer Science mula sa Stanford University.

Leslie Berland

CMO at Head of People

Leslie Berland

Leslie Berland

CMO at Head of People

Si Leslie Berland ang Chief Marketing Officer na may hawak sa global consumer, produkto, at sales marketing at mga pakikipag-ugnayan ng Twitter. Bilang Head of People, pinamumunuan ni Leslie ang mga team ng Human Resources, Recruitment, at Learning and Organizational Development ng Twitter.

Bago sumali sa kumpanya noong 2016, siya ay naging Executive Vice President, Global Advertising, Marketing & Digital Partnerships sa American Express. Dahil sa naging bahagi si Leslie ng American Express noong 2005, nakapamuno siya ng isang pandaigdigang team na responsable sa pagbuo ng demand sa market at sa pagsulong ng komersyo sa pamamagitan ng iba't ibang produkto, marketing, at karanasan ng customer sa buong mundo. Bilang bahagi ng global management team ng kumpanya, tinutukan ni Leslie ang advertising, media, mga sponsorship, content, pagkakakilanlan ng brand, at mga digital na pakikipagsosyo. Sa unang bahagi ng kanyang career, namuno si Leslie sa mga istratehiya sa PR at mga online na pakikipag-ugnayan para sa mga brand sa buong mundo sa panig ng agency.

Nagtapos ng B.S. si Leslie sa College of Communications ng Boston University.

Kayvon Beykpour

GM, Video

Kayvon Beykpour

Kayvon Beykpour

GM, Video

Pinamumunuan ni Kayvon Beykpour ang video na produkto at tinututukan niya ang live na content, video, at Periscope, isang live na platform para sa video na kasama niyang itinatag kung saan makakagawa, makakapanood, makakatuklas, at makakapagbahagi ng live na video ang mga tao.

Bago ang Periscope, kasama siya sa mga nagtatag ng TerriblyClever Design LLC, isang kumpanya ng software na ibinenta sa Blackboard Inc. Pagkatapos ng acquisition, pinamunuan ni Kayvon ang mobile division ng Blackboard sa loob ng apat na taon kung saan napalago niya ang kanyang team mula sa limang tao hanggang sa mahigit isang daang empleyado, at tinulungan niya ang kumpanya na maging isa sa mga may pinaka-in demand na mga app sa industriya ng pagtuturo.

Nag-aral si Kayvon sa Stanford at nakapagtapos siya ng computer science.

Matt Derella

Vice President, Revenue and Partnerships

Matt Derella

Matt Derella

Vice President, Revenue and Partnerships

Si Matt ang Global Vice President ng Revenue and Partnerships sa Twitter, at tinututukan niya ang mga organisasyon ng kumpanyang nagpapasok ng kita mula sa ad, kabilang ang pandaigdigang sales sa advertising, mga pandaigdigang partnership sa content, live na content at mga operasyon para kumita.

Bago sumali sa Twitter, humawak ng iba't ibang matataas na tungkulin si Matt sa Google. Nagtrabaho rin si Matt sa The Weather Channel Companies, at siya ang namuno sa mga solusyon sa marketing para sa pinakamalalaki nilang team na nagpapasok ng kita.

Nakapagtapos si Matt ng B.A. in English mula sa Georgetown University at isa siyang inductee sa Advertising Hall of Achievement.  

 

Jack Dorsey

CEO

Jack Dorsey

Jack Dorsey

CEO

Isa si Jack Dorsey sa mga nagtatag ng Twitter, Inc. noong 2006 at bumalik siya upang maging Chief Executive Officer noong Setyembre 2015. Isa rin si Jack sa founder ng Square, kung saan siya ang kasalukuyang CEO at Chairman.

Bruce Falck

GM, Revenue Product and Engineering

Bruce Falck

Bruce Falck

GM, Revenue Product and Engineering

Si Bruce Falck ang General Manager ng Revenue Product, at tinututukan niya ang diskarte at paglalapat sa mga produktong pang-advertise para sa mga marketer sa Twitter. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nakabuo si Bruce Falck ng isang malalim na pang-unawa sa monetization at digital advertising. Kamakailan siyang naging CEO ng Turn na ibinenta sa Singtel/Amobee. Bago sa Turn, COO muna siya sa BrightRoll, ang nangungunang platform para sa mga Programmatic na Video Ad na ibinenta sa Yahoo. 8 taon din siya sa Google, kung saan naging katuwang siya sa pagbuo at paggabay sa mga negosyo sa pag-advertise na bilyun-bilyong dolyar ang halaga, kabilang ang Google Display Network, DoubleClick Bid Manager (DBM), at Advertising Exchange ng Google.

Nakapagtapos si Bruce ng Computer Science sa Stellenbosch University sa South Africa.

Vijaya Gadde

Legal, Policy and Safety Lead

Vijaya Gadde

Vijaya Gadde

Legal, Policy and Safety Lead

Si Vijaya Gadde (VIJ-ee-yah GAD-ee) ang legal, public policy, and trust & safety lead ng Twitter. Dati siyang Legal Director sa Twitter, kung saan pinamahalaan niya ang mga internasyonal at pangkumpanyang legal team. Bago sumali sa Twitter noong 2011, si Vijaya ay Senior Director, Legal sa Juniper Networks; bago pa noon, isa siyang associate sa Wilson Sonsini Goodrich & Rosati sa loob ng halos isang dekada. Habang nasa WSGR, naging counsel si Vijaya sa Proxy Working Group at Committee on Corporate Governance ng New York Stock Exchange.

Nakapagtapos si Vijaya ng J.D. sa New York University School of Law at B.S. in Industrial and Labor Relations sa Cornell University.

Ed Ho

GM, Consumer Product and Engineering

Ed Ho

Ed Ho

GM, Consumer Product and Engineering

Si Ed Ho ang General Manager ng Consumer Product at Engineering Group ng Twitter, kung saan pinamamahalaan niya ang team na responsable sa pag-develop at pagpapatakbo sa Twitter na produkto. Humawak siya ng mga engineering na posisyon sa Google, Yahoo!, Almaden Research Center ng IBM, at Sony U.S. Research Labs. Sa Yahoo, isa siya sa mga nag-imbento ng Yahoo! Pipes na produkto. Pagkatapos nito, nagtrabaho siya sa Google sa loob ng limang taon bilang Staff Software Engineer at Director of Product Management, at pinamunuan niya ang pag-develop ng maraming social na produkto. Pagkaalis niya sa Google noong 2012, isa siya sa mga nagtatag at naging CTO ng Cover (www.coverscreen.com). Na-acquire ng Twitter ang Cover noong 2014.

Nakapagtapos si Ed ng Bachelor’s Degree in Computer Science sa East Tennessee State University.

Grace Kim

VP, Design & User Research

Grace Kim

Grace Kim

VP, Design & User Research

Si Grace Kim ang Vice President ng Design and User Research sa Twitter at pinamumunuan niya ang mga gawain sa pagdidisenyo ng produkto at pananaliksik na nakabatay sa mga consumer at negosyo. Bago sumali sa Twitter noong 2011, Principal Research Manager si Grace sa Adobe Systems kung saan siyam na taon niyang sinubaybayan ang mga team ng pananaliksik para sa User Experience at Marketing. Isa si Grace sa mga founding member ng team ng Adobe Photoshop Lightroom at madalas na nakikipagtulungan sa Entrepreneurs in Residence ng Adobe upang tumukoy ng mga bagong potensyal na pagkakataon sa negosyo. Sa mga unang bahagi ng kanyang career, naglaan si Grace ng ilang taon sa Sapient upang magsagawa ng mga internasyonal na pananaliksik para sa iba't ibang brand sa buong mundo.

Natanggap ni Grace ang kanyang Bachelor’s degree sa Wellesley College at Masters degree sa University of California, Berkeley, kung saan siya naging isang Patricia Roberts Harris Fellow.

Ned Segal

CFO

Ned Segal

Ned Segal

CFO

Si Ned Segal ang Chief Financial Officer ng Twitter, at tinututukan niya ang mga larangan ng kumpanya sa finance, accounting, corporate development, corporate security, financial planning & analysis (FP&A), investor relations, real estate & workplace, internal audit, tax, at treasury. Bago sumali sa Twitter, naging Senior Vice President si Ned ng Finance para sa Small Business Group ng Intuit. Naging Chief Financial Officer din siya ng RPX (NASDAQ: RPXC), ang nangunguna pagdating sa mga patent risk management solution sa mga kumpanya ng teknolohiya sa buong mundo, at tumagal siya nang 17 taon sa Goldman Sachs at naging Managing Director, Head of Global Software Investment Banking.

Para sabay na mapagtuunan ang paglago habang nagme-maintain ng isang bukas na platform, kailangan ng isang mahusay na executive team na handang humarap sa hamon. Nangangailangan din ito ng isang board ng mga director na nagsusulong ng ating misyon habang pinoprotektahan ang mga pampinansyal nating layunin. Sa Twitter, maswerte kami na nasa amin ang lahat ng iyon.

  • Read Previous
  • Read Next

Gumawa ng mga bagay na mahalaga

Makipagtulungan sa mga malikhain at mapanuring tao sa buong mundo.