Mga Mapagkukunanng Brand

Mula sa mga nagbabagang balita at entertainment hanggang sa sports, pulitika, at mga pang-araw-araw na pangyayari, kung nangyayari ito sa mundo, nangyayari ito sa Twitter. Tingnan ang lahat ng panig ng kwento. Sumali sa usapan. Manood ng mga live streaming event.

Ang Twitter ay kung ano ang nangyayari sa mundo at kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon.

Nagsisimula ka pa lang ba?

I-download ang lahat ng aming Mapagkukunan ng Brand.

Mula sa mga pangangasiwa ng Tweet hanggang sa mga logo at social na icon, makakatulong sa iyo ang mga template at tool na ito na magamit ang content ng Twitter at ang aming brand.

I-download
 

Mga Alituntunin sa Brand

Gusto namin na nagugustuhan mo ang Twitter. Gusto naming padaliin para sa iyo na magamit ang aming brand sa tamang paraan. Basahin ang maikling gabay na ito tungkol sa mga pangunahin naming elemento sa disenyo para makita kung paano ito gawin.

 

Logo ng Twitter

Gusto mo bang i-download ang logo ng Twitter? Mada-download mula rito ang mga artwork file para sa print (.EPS), broadcast, at web (.SVG at .PNG). Para sa tamang paggamit, sumangguni sa seksyong Logo sa aming Mga Alituntunin sa Brand.

 

Mga social na icon

Gusto mo bang ipakita ang presensya mo sa Twitter, mag-isa man o kasama ang iba pang social na icon? Mas maganda kung walang container ang aming logo, ngunit makikita mo rin ang mga opsyon para gumamit ng bilog, kahon, o kahong may mga bilugang sulok. Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Mga Alituntunin sa Brand.

Mga lockup sa pairing ng logo

Ginagamit namin ang mga lockup sa pairing ng logo para malinaw na maipakita ang isang account at isang hashtag sa Twitter. Kapag pine-pair ang mga ito sa logo ng Twitter, tiyaking gamitin ang logo namin nang isang beses, at kulayan ito ng asul o puti, at inirerekomenda namin ang pag-pair nito sa kulay itim na username at hashtag. Isagawa ang mga panuntunan namin tungkol sa walang kulay na espasyo, at i-scale ang text sa 100% ng taas ng logo. Huwag mag-atubiling gumamit ng font na mula sa system ng disenyo ng iyong brand. Tingnan ang aming Mga Alituntunin sa Brand para sa higit pang detalye.

 

Mga pagdidisenyo ng Tweet

Kapag gumagawa ng Tweet, palaging gumamit ng Helvetica Neue Bold para sa pangalan sa display, sa mismong Tweet, at sa timestamp, at gumamit ng Regular para sa username para tumugma sa Twitter na produkto. Gumamit lang ng logo na kulay asul o puti. Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Mga Alituntunin sa Brand.

 

Kasunduan

Sa pamamagitan ng paggamit sa mga trademark at mapagkukunan ng Twitter sa site na ito, sumasang-ayon kang sundin ang Mga Alituntunin sa Trademark ng Twitter sa aming Mga Alituntunin sa Brand - pati na rin ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at lahat ng iba pang panuntunan at patakaran sa Twitter. Kung mayroon kang anupamang tanong, makipag-ugnayan sa amin sa trademarks@twitter.com. Pakisumite ang iyong kahilingan sa English (nakasalin dapat ang mga materyal na hindi nakasulat sa English).

Hindi available ang Tweet na ito
Hindi available ang Tweet na ito.