Ang koponan ng pamunuan ng Twitter

 
PAMUNUAN / KOPONAN NG TAGAPAGPATUPAD + LUPON NG MGA DIREKTOR

Jack Dorsey
CEO

Anthony Noto
COO & CFO

Vijaya Gadde
Pangkalahatang Tagapagpayo

KOPONAN NG TAGAPAGPATUPAD / MGA BIOGRAPHY

 

__________________

JACK DORSEY
Chief Executive Officer
@jack

Si Jack ang CEO ng @Twitter, CEO & Chairman ng Square, at isa sa nagtatag ng mga ito. Siya rin ay nagsisilbi sa Board ng Walt Disney Company

__________________

ANTHONY NOTO
Chief Operating Officer & Chief Financial Officer
@anthonynoto

Si Anthony ay Chief Operating Officer (COO) sa Twitter, na siyang namamahala ng mga operasyong pangnegosyo at ng mga organisasyong kumikita nito, kasama ang pandaigdigang advertising sales, mga pandaigdigang partnership, paglilinang ng negosyo, live na nilalaman, datos, produktong kumikita at MoPub.

Patuloy pa ring nagsisilbi si Anthony bilang Chief Financial Officer (CFO) ng Twitter, isang posisyon na hawak niya mula noon Hulyo, 2014, habang naghahanap ang kompanya ng bagong CFO. Bilang CFO, pinapamahalaan nia ang operasyong pananalapi, paglilinang at stratehiya ng korporasyon. Bago siya sumali sa Twitter, si Anthony ay naging partner at Pinuno ng Technology Media and Telecom Investment Banking Group sa Goldman Sachs & Co. mula 2010 hanggang 2014.

Mula 2008 hanggang 2011, Si Anthony ay naging Chief Financial Officer ng National Football League. Pinamunuan niya ang liga sa pagdaos nito sa krisis na pananalapi at pagsasagawa ng mga kasunduang pangnegosyo na nagpabago ng negosyong pang-media nito. Mula 1999 hanggang 2007, nagsilbi siya sa mga iba’t ibang tungkulin sa Goldman Sachs, kasama na ang pagiging Partner sa Equity Research division, ang pagiging pangunahing Internet analyst, at pangunahing Media and Entertainment Equity Research analyst.

Si Anthony ay may B.S. sa Mechanical Engineering mula sa United States Military Academy at M.B.A. mula sa Wharton School of the University of Pennsylvania.

__________________

VIJAYA GADDE
Pangkalahatang Tagapagpayo
@vijaya

Si Vijaya Gadde (VIJ-ee-yah GAD-ee) ang Pangkalahatang Abogado ng Twitter. Pinangungunahan niya ang mga koponan ng legal, tiwala at kaligtasan at ang mga koponan ng patakarang pampubliko.  Nagsilbi siya dati bilang Direktor ng Legal ng Twitter, kung saan pinamahalaan niya ang mga koponang legal na pang-internasyonal at pang-corporate. Bago siya sumali sa Twitter sa 2011, naging Senior Director sa Legal ng Juniper si Vijaya; at dati rin, sa halos isang dekada, siya ay naging associate ng Wilson Sonsini Goodrich & Rosati. Habang nasa WSGR, gumanap bilang abogado sa New York Stock Exchange Proxy Working Group at sa Committee on Corporate Governance si Vijaya.

Nagkamit siya ng J.D. mula sa New York University School of Law at ng B.S. sa Industrial and Labor Relations mula sa Cornell University.

__________________

LESLIE BERLAND
Chief Marketing Officer
@leslieberland

Si Leslie ang Chief Marketing Officer na may-hawak sa pandaigdigang consumer, product at sales marketing ng Twitter

Bago sumali sa kompanya sa 2016, siya ay naging Executive Vice President ng Global Advertising, Marketing & Digital Partnerships sa American Express. Sa pagsali niya sa American Express sa 2005, pinamunuan ni Leslie ang koponang pandaigdigan na responsable sa paglikha ng pangangailangan sa marketplace at pagsulong ng komersiyo sa mga iniba-ibang produkto, marketing at karanasan ng mga kostumer na pangdaigdigan. Bilang kasapi ng pandaigdigang koponan ng kompanya, pinamunuan ni Leslie ang advertising, media, sponsorships, nilalaman, pagkakakilanlan sa tatak. at digital partnerships. Pinamunuan dati ni Leslie ang PR at stratehiyang pangkomunikasyon para sa mga tatak na pandaigdig sa panig ng mga ahensiya. Nagkamit siya ng B.S. mula sa College of Communication Boston University.

__________________

ROBERT KAIDEN
Chief Accounting Officer
@Robert_Kaiden

Bilang CAO, Si Robert ang siyang direktang nangangasiwa sa aming mga gawain sa controllership, internasyonal na controllership, at pagbubuwis ng korporasyon. Bago sumali sa Twitter, si Robert ay dating Partner ng Deloitte & Touche LLP, kung saan siya nanilbihan nang mahigit sa 25 taon, at naglingkod bilang pinunong audit partner sa ilang malalaking kliyente sa pampublikong teknolohiya at industriya ng hospitalidad sa buong mundo. Habang nasa Deloitte, bumuo siya ng matatag na kaalaman tungkol sa iba-ibang bansa at nagtatag at namuno ng malalaking pangkat na bihasa sa iba’t-ibang gawain, sumuporta ng mga komplikadong transaksyon sa merkado ng pangangapital, at namuno ng ilang pambansang kilusan sa pag-o-audit. Naglingkod din siya bilang Chief of Staff ng CEO ng Deloitte & Touche LLP.

May M.B.A. si Robert mula sa Wharton School, MS sa Accounting mula sa University of Hartford at B.A. mula sa Hamilton College.



LUPON NG MGA DIREKTOR

Omid Kordestani
Chairman na Tagapagpatupad
@omidkordestani

Jack Dorsey
CEO, Twitter;
CEO, Square
@jack

Peter Fenton
Pangkalahatang Kasosyo, Benchmark Capital
@peterfenton

Hugh Johnston
Vice Chairman and Chief Financial Officer, PepsiCo, Inc.
@hughjohnston

Martha Lane Fox
Tagapagtatag at Chairperson ng doteveryone.org.uk; Chairperson ng MakieLab, Crossbench Peer
in House of Lords
@Marthalanefox

Debra L. Lee
Chairman at Pinunong Opisyal na Tagapagpatupad, BET Networks
@IamDebraLee

David Rosenblatt
CEO, 1stdibs.com, Inc.
@rosenblattdavid

Marjorie Scardino
Chairman, MacArthur Foundation
@marjscar

Bret Taylor
CEO at Ka-tagapagtatag, Quip
@btaylor

Evan Williams
CEO, Medium; CEO, Obvious Corp.
@ev