Twitter for Good
Mithiin naming mapagbuklod ang aming kumpanya at komunidad bilang isang puwersa para sa kabutihan.
Ang aming misyon
Ginagamit namin ang positibong lakas ng Twitter para patibayin ang aming mga komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga empleyado, pag-activate sa platform, at kontribusyon ng mga korporasyon.
Mga pinagtutuunang larangan
Kaligtasan at edukasyon sa Internet
Gusto naming tulungang turuan ang mga indibidwal tungkol sa pagiging isang mabuting digital citizen at kung paano magiging ligtas online. Sinusuportahan namin ang mga organisasyong humaharap sa mga isyu tungkol sa online na kaligtasan gaya ng pambu-bully, pang-aabuso, at mapoot na asal.
Malayang pagpapahayag at mga kalayaang sibil
Sinusuportahan namin ang mga programang nagtatanggol at gumagalang sa lahat ng tinig sa pamamagitan ng pagsusulong ng malayang pagpapahayag at pagtatanggol sa mga kalayaang sibil.
Pagkakapantay-pantay
Sinusuportahan namin ang pagkakapantay-pantay at ang pagtanggap sa lahat ng tao, at kinikilala namin na bagama't matatagpuan ang talento sa kahit saang panig ng mundo, hindi naman ganito ang oportunidad. Nakikipagtulungan kami sa mga organisasyong nagsusulong ng pantay na oportunidad, lalo na sa siyensiya, teknolohiya, engineering, arts, at matematika (STEAM).
Konserbasyon at sustainability ng kapaligiran
Nakikipagtulungan kami sa mga non-government organization (mga NGO) sa buong mundo para gamitin ang lakas ng Twitter para magtaguyod ng kaalaman at humimok ng aksyon sa pagprotekta sa konserbasyon at sustainability ng kapaligiran.
Tugon sa krisis at emergency
Kapag nagkaroon ng mga emergency at sakuna, nagbibigay kami ng mga tool at programang nakakatulong sa mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng komunikasyon at humanitarian response.
- Pag-activate sa platform
- Pakikipag-ugnayan ng Empleyado
- Kawanggawa ng kumpanya
NeighborNest

Ang NeighborNest ay isang espasyong pangkomunidad para sa paglikha ng mga bagong oportunidad sa pamamagitan ng teknolohiya para sa mahihirap sa San Francisco. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga nonprofit na organisasyon, empleyado ng Twitter, at residente ng komunidad.
Nakatuon ang aming mga programa sa pagsusulong sa kaligtasan at edukasyon sa internet, pagkakapantay-pantay at pag-unlad sa trabaho, at pagpapahusay sa kapasidad ng mga NGO. Mula sa paggabay sa career at edukasyon sa STEAM hanggang sa pagsasanay at naka-host na event space ng Twitter, nagsusumikap kaming pagtibayin ang komunidad habang nililinang ang pagiging mapang-unawa sa nadarama ng iba at pagiging patas.
Mga Katuwang sa Komunidad (SF)
Ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa iba't ibang eksperto sa larangan sa Bay Area. Tingnan ang kumpleto naming listahan ng mga katuwang na organisasyon.
Epekto
Isinasabuhay ng aming kumpanya ang misyong ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng aming suporta sa mga larangan kung saan kami makakagawa ng pinakamalaking pagbabago.
Basahin ang aming ulat sa Epekto ng Twitter for Good mula sa mga nakaraang taon: 2017.